VERSE:
Ako'y Iyong natagpuan
Niligtas sa kamatayan
Inakay sa liwanag ng 'Yong pagmamahal
Pinalaya ng Iyong habag
Sa dilim at sa 'king pagkabulag
Ngayon, sa 'Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
Umaawit
CHORUS:
Ang buhay ko'y tanging sa'Yo
Laging sa'Yo iaalay
Ang puso ko'y tanging sa'Yo
Laging sa'Yo, Panginoon
Walang ibang kaligtasan
Sa'Yo, lubos ang kagalingan
Hesus, ako'y nabihag sa dakila Mong pag-ibig
Umaawit
Ang buhay ko'y tanging sa'Yo
Laging sa'Yo iaalay
Ang puso ko'y tanging sa'Yo
Laging sa'Yo, Panginoon
BRIDGE:
Ibibigay lahat, walang alinlangan
Dahil sa buhay na Iyong inialay (x2)
Sa pagtubos, sa buhay na lubos
Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko (x2)
Comments
Post a Comment